UP Center for Women's and Gender Studies

Libreng Pap Smear at Birth Control Implant


|

Inihahandog ng University of the Philippines Center for Women’s and Gender Studies (UPCWGS) at UP Center for Women’s Studies Foundation, Inc. (UPCWSFI), sa pakikipagtulungan ng FriendlyCare Clinic, ang Libreng Pap Smear at Birth Control Implant na gaganapin sa 4 Marso 2026 (Miyerkules) mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa UPCWGS, Magsaysay Ave. cor. Ylanan St., UP Diliman, Quezon City.

Mahahalagang Impormasyon at Paalala

Para sa mag-aavail ng pap smear

Mga paghahanda bago ang test:

  • Iwasan ang anumang sexual contact sa loob ng tatlong (3) araw bago ang test.
  • Siguraduhing mayroong pitong (7) araw na pagitan mula sa huling araw ng menstrual period bago magpa-test.

 

Ang resulta ay ipadadala makalipas ang dalawang linggo sa inyong email.

Para sa mag-aavail ng birth control implant

Mga hindi maaaring lagyan ng contraceptive implant:

  • May timbang na 34 kg pababa.
  • Kasalukuyang umiinom ng gamot para sa sakit na TB (tuberculosis).
  • Umiinom ng gamot para sa epilepsy.
  • May goiter na walang maintenance na gamot o regular check-up sa doktor.
  • May sexual contact pero walang ginamit na family planning method katulad ng pills, injectable, at condom bago mag-menstruation o regla.
  • Para sa mga naka-injectable, kung ito ay dalawang (2) buwan pataas pa mag-eexpire. 

 

Inaanyayahan ang mga kababaihan na magparehistro sa link na ito.